Screening para sa Colorectal Cancer: Mas Madali Ito Kaysa Sa Inaakala Mo

Ikaw ba ay nasa edad na 45 o mas matanda pa?

Ito ang inirerekomendang edad para simulan ang screening para sa colorectal cancer.1 Makakatulong ang regular na pagsusuri na makita nang maaga ang kanser. Maaaring mas madali itong magamot kung makikita nang maaga. Maaaring tumaas ang panganib na magkaroon ng kanser sa colon (kanser sa malaking bituka) dahil sa history sa pamilya, diyeta, pamumuhay, edad, etnisidad at kasarian.

Maaaring makapagligtas ng mga buhay ang Screening para sa Colorectal Cancer! Mayroong mga screening kit para masuri mula sa iyong tahanan. Mas madali at mas simpleng gamitin ang mga screening kit sa bahay kaysa sa inaakala mo. Kausapin ngayon ang iyong doktor tungkol sa kung aling opsyon sa screening sa bahay ang pinakamabuti para sa iyo.


Colorectal Cancer Screening banner

Narito ang susunod na dapat gawin:

  • Huwag ipagpaliban! Kung nakatanggap ka na ng referral mula sa iyong doktor, tumawag at ipaiskedyul ngayon ang iyong appointment! Para sa tulong sa pagpapaiskedyul ng pagpunta sa doktor, tumawag sa Mga Serbisyo para sa Miyembro sa numero ng telepono na nasa likod ng iyong ID card ng miyembro.
  • Kung bibigyan ka ng iyong doktor ng screening kit sa bahay, kumpletuhin ito ngayong linggong ito!
  • Kung hindi ka sigurado kung nakatakda ka para sa screening, makipag-usap sa iyong doktor sa lalong madaling panahon. Masasabi rin sa iyo ng iyong doktor kung aling opsyon sa screening ang pinakamabuti para sa iyo.

Bakit mahalaga ang screening para sa Colorectal cancer?

Sa Estados Unidos, kanser ang ika-2 sanhi ng kamatayan kasunod ng sakit sa puso.2 Kung titingnan ang mga uri ng kanser, ang colorectal cancer ay ika-4 ding nangungunang sanhi ng pagkamatay dahil sa kanser.3

Talahanayan 1: Colorectal Cancer ayon sa lahi at etnisidad:2
Lahi/EtnisidadColorectal Cancer na Nangungunang Sanhi ng Kamatayan
White, hindi Hispanic na mga taoika-4
Black, hindi Hispanic na mga taoika-4
American Indian at Alaska Native hindi Hispanic na mga taoika-3
Asian hindi Hispanic na mga taoika-3
Hispanic na mga taoika-4


Pero ang magandang balita ay makakatulong ang screening na makita nang maaga ang kanser. Maaaring mas madali itong magamot kung makikita nang maaga.

Makakatulong ang mga screening test para sa colorectal cancer! Mahalagang gawin ang mga screening para makaiwas sa sakit tulad ng screening para sa colorectal cancer, kahit na mabuti ang pakiramdam mo.

  • Ang mga tao na nasa karaniwang panganib na magkaroon ng kanser sa colon ay nagsisimulang magpa-screen sa edad na 45.
  • Maraming tao ang mayroong mga polyp at walang anumang mga sintomas.
  • Ang pagkumpleto ng screening test ay tutulong na mahanap nang maaga ang mga polyp at kanser.

 

image comparing healthy colon and colon with polyps

Ano ang Polyp?

Minsan ang mga hindi normal na bukol, na tinatawag na mga polyp ay nabubuo sa colon o tumbong. Karamihan sa mga polyp ay hindi nakakapinsala. Ngunit maaaring maging kanser ang ilang polyp. Makikita ng mga screening test ang mga polyp kaya matatanggal ang mga ito bago pa maging kanser. Tumutulong din ang screening na makita ang colorectal cancer sa maagang yugto kung kailan pinakamahusay na gagana ang paggamot.

Anong mga uri ng screening ang available?

Kasama sa mga opsyon ng screening ang mga screening test para sa sample ng dumi at mga screening test para sa paningin. Ang ilan sa mga screening test ay magagawa mo sa bahay. Ang ibang screening ay ginagawa ng doktor. Kung mayroon kang history ng colorectal cancer sa pamilya, kausapin ang iyong doktor tungkol sa opsyon na pinakamabuti para sa iyo.

Mga screening test ito ng sample ng dumi na magagawa mo sa iyong tahanan.4,5,6 Maaari mong piliin ang pagsusuri ng sample ng dumi na pinakamabuti para sa iyo.

Mga pagsusuri at proseso ng sample ng dumi
Pangalan at Proseso ng Pagsusuri ng Sample ng DumiGaano Kadalas Isasagawa ang PagsusuriMga Susunod na Hakbang
Gumagamit ang Guaiac Fecal Occult Blood Test (gFOBT) ng kemikal na guaiac para makita ang dugo sa dumi. Para sa pagsusuring ito, makakatanggap ka ng test kit mula sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan. Sa bahay, maaari kang gumamit ng stick o brush para kumuha ng kaunting dumi. Ibabalik mo ang test kit sa doktor o laboratoryo, kung saan susuriin ang mga sample ng dumi kung mayroong dugo.Bawat taonIbabahagi sa iyo at sa provider mo ang mga resulta.
Gumagamit ang Fecal Immunochemical Test (FIT or iFBOT) ng mga antibody para makita ang dugo sa dumi. Tulad ng gFOBT, makakatanggap ka ng test kit mula sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan. Sa bahay, maaari kang gumamit ng stick o brush para kumuha ng kaunting dumi. Ibabalik mo ang test kit sa doktor o laboratoryo, kung saan susuriin ang mga sample ng dumi kung mayroong dugo.Bawat taonIbabahagi sa iyo at sa provider mo ang mga resulta.
Cologuard Screening Kit na tinatawag din bilang DNA test ng dumi. Pinagsasama nito ang FIT test sa isang pagsusuri na tinitingnan kung mayroong nagbagong DNA sa dumi. Para sa pagsusuring ito, mangongolekta ka ng dumi sa isang lalagyan at ipapadala ang lalagyan nang may kasamang kinuhang dumi sa laboratoryo. Susuriin ito ng laboratoryo para sa nagbagong DNA at kung mayroong dugo.Bawat taonIbabahagi sa iyo at sa provider mo ang mga resulta.

Ang mga pagsusuri sa paningin na ito4,5 ay kinukumpleto ng isang doktor sa personal.

Mga pangalan at proseso ng pagsusuri sa paningin
Pangalan at Proseso ng Pagsusuri ng PaninginGaano Kadalas Isasagawa ang PagsusuriMga Susunod na Hakbang
Ang Colonoscopy ay screening test na tinitingnan ang mga pagbabago sa iyong colon at tumbong. Magpapasok ang doktor ng mahaba, manipis, at flexible na tube na may ilaw at camera para makita ang mga posibleng polyp o kanser. Maaaring alisn ng doktor ang mga polyp sa pagsusuring ito para tumulong na maiwasan ang kanser bago ito magsimula. Ginagawa ang screening kada 5-10 taon batay sa malalaman sa pagsusuri.Kada 5–10 taonMag-iiskedyul ang doktor ng appointment kasama ka para masuri ang mga resulta at magbigay ng mga rekomendasyon.
Ang CT (Virtual) Colonography ay isang scan para gumawa ng mga larawan ng iyong colon. Kung positibo o hindi normal ang resulta ng iyong pagsusuri, maaari mo pa ring kailanganin ng colonoscopy.Kada 5 taonMag-iiskedyul ang doktor ng appointment kasama ka para masuri ang mga resulta at magbigay ng mga rekomendasyon.
Ang sigmoidoscopy ay isang screening test na gumagamit ng mahaba, manipis, at flexible na tube na may camera para makita ang ibabang bahagi ng iyong colon. Ginagawa ito kada 5 taon. Pero kung kukumpletuhin mo ang FIT test kada taon (na inilalarawan sa talaan ng Mga Pagsusuri ng Sample ng Dumi) maaaring isagawa ang sigmoidoscopy kada 10 taon. Kung positibo o hindi normal ang resulta ng iyong pagsusuri, maaari mo pa ring kailanganin ng colonoscopy.

Hindi kadalasang gumagamit ang pagsusuring ito ng screening tool para sa colorectal cancer sa U.S. dahil maaari lang makita ng doktor ang kalahati ng iyong colon.
Dalawang opsyon:
  1. Kada 5 taon, o
  2. Kada 10 taon kung kukumpletuhin mo ang FIT screening test kada taon. (Tingnan ang talaan ng Mga Pagsusuri ng Sample ng Dumi para sa impormasyon ng FIT.)
Mag-iiskedyul ang doktor ng appointment kasama ka para masuri ang mga resulta at magbigay ng mga rekomendasyon.

Ang Mahirap na mga Pag-uusap

Ang pakikipag-usap sa iyong mga kaibigan at pamilya tungkol sa pagkakaroon ng screening test para sa colorectal cancer ay maaaring hindi maging madaling pag-uusap. Pero mahalaga ito para mapanatili kang malusog at ang iyong pamilya! Mabibigyan din nito ikaw, ang pamilya at mga kaibigan ng suporta para maisagawa ang mga screening.

Nagbabahagi ang talaan na ito ng ilang paraan para pag-usapan ang tungkol sa colorectal screening. Makakatulong itong ihanda ka para kausapin ang iyong doktor, pamilya at mga kaibigan.

Mga paraan para pag-usapan ang tungkol sa Colorectal Screening
AlalahaninTalakayan
Hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa paksang ito.Maraming tao ang hindi kumportableng pag-usapan ang tungkol sa colorectal screening. Ayos lang iyon. Parang hindi ito namin dapat pag-usapan.
Hindi ko alam ang history ng aking pamilya tungkol sa kanser sa colon.Ang pagtatanong ng tungkol sa history ng iyong pamilya tungkol sa kanser sa colon ay tumutulong sa ibang kabilang sa iyong pamilya na malaman ang kanilang history. Magtanong ng mahihirap na tanong. Matutulungan ng iyong mga tanong ang iba na matuto. Maaari silang magpasya na magpa-screen.

Simulan o buuin ang history ng iyong pamilya sa pamamagitan ng pagsailalim sa screening. Makakatulong ang regular na pagpapasuri na malaman nang maaga ang anumang kanser. Maaaring mas madali itong magamot kung makikita nang maaga. Kung ikaw ay 45 o mas matanda pa, tanungin ang iyong doktor kung nakatakda ka para sa colon cancer screening.
Hindi pa ako nakagawa ng pagsusuri sa bahay at hindi ako komportableng gawin ito.Mas madali sa maaaring inaasahan mo ang mga pagsusuri sa bahay at hindi ito kailangang maging marumi. Narito ang isang mungkahi:

Para tumulong sa pagiging malinis, magdala ng TV tray o upuan sa tabi ng inodoro. Maglagay ng mga sheet ng malinis na mga paper towel o wax paper sa ibabaw. Ilagay ang iyong test kit sa malinis na ibabaw na ito na madaling maaabot. Sundin ang mga instruksyon para makuha ang sample ng iyong dumi. Maingat na ilagay sa pakete ang iyong sample para ipadala. Itabi ito. Pagkatapos, tipunin ang papel at itapon ito. Hugasan nang mabuti ang iyong mga kamay.
Hindi ako sigurado na ginagawa ko sa tamang paraan ang pagsusuri sa bahay.Mayroong step-by-step na mga instruksyon ang home kit kung ano ang gagawin. Kasama rito ang lahat ng item na kakailanganin mo para kolektahin ang iyong sample at tapusin ang test. Mayroon ding numero ng telepono sa kit na tatawagan para sa mga tanong.

Kapag nakumpleto mo na ang iyong test, ipapadala mo ang iyong sample sa laboratoryo. Ang kit ay mayroong sobre na bayad na ang selyo.
Mabuti ang pakiramdam ko. Sa tingin ko hindi ko kailangang kumumpleto ng isang colorectal screening test.Karamihan ng mga taong mayroong mga polyp sa colon ay walang mga sintomas. Ngunit maaaring magkaroon ng mga polyp o colorectal cancer at hindi ito alam.6 Ang regular na pagpapasuri ay makakatulong na makita ang anumang kanser nang maaga — kung kailan maaaring mas madali itong magamot.

Alam mo ba kung paano maiiwasan ang colorectal cancer?

Sagutan ang quiz na ito para malaman kung gaano karami ang nalalaman mo!
Colorectal Cancer Quiz

Higit pang impormasyon tungkol sa Mga Opsyon sa Screening para sa Colorectal Cancer

gFOBT Resources

FIT Resources

Cologuard Resource

Colonoscopy Resources

CT (Virtual) Colonoscopy Resources

Sigmoidoscopy Resources

General Information about Colorectal Cancer Screening Test options

Mga Pinagkunan ng Artikulo

1 Center for Disease Control and Prevention. Screening for Colorectal Cancer | Colorectal Cancer | CDC

2 United States Cancer Statistics: Data Visualizations. Retrieved from Center for Disease Control and Prevention

3 Centers for Disease Control and Prevention. (2024, February 17). Colorectal Cancer.

4 US Preventive Services Task Force. (2021, May 18). Colorectal Cancer Screening. Retrieved from US Preventive Services Task Force: https://www.uspreventiveservicestaskforce.org/uspstf/recommendation/colorectal-cancer-screening#tab2

5 US Preventive Services Task Force. (2021, May 18). Colorectal Cancer Screening. Retrieved from US Preventive Services Task Force: https://www.uspreventiveservicestaskforce.org/uspstf/recommendation/colorectal-cancer-screening#tab1

6 Centers for Disease Control and Prevention. (2023). What are the symptoms of colorectal cancer? Retrieved from Centers for Disease Control and Prevention: https://www.cdc.gov/cancer/colorectal/basic_info/symptoms.htm